
Nakatakda nang isalang sa preliminary investigation ang kaso laban sa dalawang mataas na opisyal ng gobyerno na isinasangkot sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, isang kasalukuyang senador at isang dating senador ang isasalang na sa preliminary investigation.
Pero hindi na tinukoy ni Remulla kung sino ang naturang mga indibidwal at ang eksaktong petsa kung kailan isasagawa ang imbestigasyon.
Paliwanag niya, nami-misinterpret kasi o nabibigyan ng ibang kahulugan ang kanyang pahayag kung babanggitin agad niya ang pangalan ng mga isasalang sa imbestigasyon.
Pero tiniyak naman ni Remulla na ginagawa nila ang lahat para mapanagot, maliliit o malalaki mang personalidad na sangkot sa mga maanomalyang proyekto ng gobyerno.










