
Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas sa 5.8% ang unemployment rate noong Enero 2026.
Ayon sa PSA, katumbas ito ng nasa 2.96 na milyong Pilipino ang walang trabaho makaraan makapagtala ng 2.17 milyun na jobless moong Emero 2025.
Paliwanag pa ng ahensiya, mas mataas ito kung ikukumpara sa naitalang 4.3% na unemployment rate noong Enero 2025 at sa 4.4% nitong December 2025.
Bukod dito, bumaba rin sa 94.2% ang employment rate nitong Enero 2026 kumpara sa naitalang 95.7% noong Enero 2025.
Ibig sabihin nito, bumaba sa 47.94 milyun na indibdwal ang may trabaho mula sa 48.49 milyun na pinoy na may trabaho noong Emero 2025.
Facebook Comments










