Ilang healthcare worker nagsagawa ng kilos protesta sa labas ng Senado

Nagkilos protesta ang ilang healthcare worker na kasapi ng Alliance of Health Workers sa labas ng Senado.

Ito ay para igiit ang pagdaragdag sa pondo sa sektor ng kalusugan kasama na ang pagtugon sa pandemya at pagbibigay ng tamang benepisyo sa health workers.

Ito ay sa gitna nang talakayan ng Senado sa pambansang pondo partikular sa Department of Health (DOH).


Sa halip na pondohan, ipinabubuwag ng mga raliyista ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at ang pondo para dito ay ibuhos sa lahat ng mga pampublikong ospital at pampublikong klinika o health centers.

Giit din ng mga healthcare worker na alisan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC at ang 39 bilyon pisong pondo para dito ay gamitin na lamang sa pagbibigay ng serbisyong medikal ng gobyerno.

Facebook Comments