Ilang mga establisyimentong ininspeksyon ng DTI, pumasa sa panuntunan ng IATF

29

Ikinatuwa ng pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtalima ng mga establisyimento sa kanilang isinagawang pag-iinspeksyon kahapon sa Taguig City.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo natutuwa sila sa ginawang pagtalima ng mga gusaling kanilang sinilip kahapon kagaya na lamang ng mga salon,fast food chain at gym kung saan nakasunod naman ang mga ito sa ipinatutupad na health and safety protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Paliwanag ni Castelo, maging ang ilang mga supermarket sa kanilang pag-iikot ay napansin nilang ang lahat ng mga produkto na inihahanda tuwing Pasko ay nakakasunod naman sa ipinatutupad na suggested retail price (SRP).


Pinawi naman ng DTI ang pangamba ng publiko na posibleng tataas ang presyo ng noche buena products dahil wala pang ipinatutupad na pagtaas mula noong 2019

Facebook Comments