Ilang miyembro ng SOLID 7 na nagbabalak mag-minorya, inaasahang magiging constructive minority ayon kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada

Umaasa si Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada na magiging ‘constructive minority’ ang ilang mga senador na miyembro ng SOLID 7 sakaling mapagdesisyunan na tuluyang sumapi sa oposisyon.

Kasunod na rin ito ng naunang pahayag ni dating Senate Majority Leader Joel Villanueva na mayroong tatlo hanggang apat na senador ng SOLID 7 ang pinag-iisipang lumipat sa minority group ng Senado.

Ayon kay Estrada, option naman ng SOLID 7 na lumipat at wala namang pumipigil sa kanila na sumapi sa minority bloc.


Magkagayunman, umaasa si Estrada na hindi magiging destructive minority kundi constructive minority ang mga ito oras na lumipat ng minorya.

Magiging interesante aniya kung madadagdagan ang minorya dahil mas marami ang magiging debate at tiyak na mas maraming bubusisi sa mga panukalang batas na isusulong naman ng majority bloc.

Facebook Comments