Pinalawig ngayong araw ng pamunuan ng Social Security System ang kanilang operasyon sa ilang sangay sa Metro Manila.
Base sa inilabas na abiso ng SSS, layon nitong ma-accommodate ang lahat ng kanilang mga miyembro na mag-aasikaso ng benepisyo.
Ito ay matapos dagsain ang ilang nilang branch nitong mga nakalipas na araw, kasunod na rin ng pagbaba sa Alert Level 1 ng Metro Manila.
Kabilang sa mga binuksan ngayong araw ang ilang tanggapan ng SSS ay ang mga sumusunod:
Sa mga branch sa Quezon City:
Diliman
Cubao
San Francisco Del Monte
Batasan, Hills
Sa mga branch sa Maynila:
Binondo
Manila
Bukas rin ngayong araw ang branch ng SSS sa J.P Rizal, Makati City; Pasig City – Pioneer; New Panaderos, Mandaluyong City; Parañaque City; SM Aura sa Taguig City; Las Piñas City; at Alabang-Muntinlupa City.
Nagbukas ng ilang mga nabanggit na tanggapan ng SSS kaninang alas-otso ng umaga na tatagal hanggang mamayang alas-singko ng hapon.
Kasabay nito, hinikayat ng SSS ang mga miyembro nito na gamitin ang mga online platform o facility upang hindi na pumila sa kanilang tanggapan kabilang na rito ang my.sss portal at SSS mobile app.
Matatandaan kahapon, na-inextend ng SSS ang oras ng kanilang operasyon ng hanggang alas-siyete ng gabi para ma-accommodate ang lahat ng kanilang mga miyembro na mag-aasikaso ng benepisyo.