Aktor na si Tom Rodriguez, beki raw?

How true ang chika na beki raw ang aktor na si Tom Rodriguez?

Ito ay matapos i-like ng kaniyang asawa na si Carla Abellana ang ilang tanong o komento ng mga netizen sa kaniyang mga post sa social media.

Ilang sa mga tanong ng netizen na ni-like ni Carla ay ang “True ba gay daw siya?” at “Gwapo nga, hindi naman honest”.


Say pa ng isang netizen na ni-like rin ng aktres, “Nagtiwala sayo ang biyenan mo, Tom, dalawang buwan na nag-tiis at iniwan mo ang asawa mo, bagong kasal pa kayo, hindi mo mahal ang asawa mo, kawawa si Carla na nagmahal at nagtiwala sayo.”

Matatandaan, ilang linggo na rin na maraming lumalabas na isyu sa social media sa hiwalayan nila Carla at Tom na ikinasal lang noong Oktubre.

Facebook Comments