Ilang senatorial candidate, malaki ang iniangat sa RMN – APCORE survey

Malaki ang iniangat ng ilang senatorial candidate sa latest survey ng Radio Mindanao Network at Asia Pacific Consortium of Researchers and Educators Inc. (RMN-APCORE).

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni Dr. Racidon Bernarte, International Managing Director ng APCORE na kabilang sa mga umangat na kandidito sina dating Sen. JV Ejercito, Sen. Sherwin Gathcaliana at Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Habang ang ibang kandidato ay nagpapalitan lamang ng pwesto.


Sinabi naman ni Bernarte na magbabago pa naman ang magiging pwesto ng mga kandidato sa mga susunod na araw.

Aminado naman si Bernarte na malaking factor sa pag-angat ng isang kandidato sa mga survey ang pagiging kilala na nito.

Matatadnaan nananguna pa rin ang brodkaster na si Raffy Tulfo sa senatorial race sa latest national elections survey ng RMN-APCORE.

Nakakuha ng 63% si Tulfo at nag-improve ang standing nito ng 15.9 points kumpara sa nakuha nitong puntos noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Pumangalawa naman sa pwesto si Francis “Chiz” Escudero, sinundan ni Former House Speaker Allan Peter Cayetano, Antique Rep. Loren Legarda, Sen. Migz Zubiri, Sherwin Gatchalian, Mark Villar at Robin Padilla.

May tyansa rin makapasok sa top-12 sa senatorial race sina Jejomar Binay; JV Ejercito, Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, Risa Hontiveros, at Herbert Bautista.

Facebook Comments