DOH, nakapagtala lamang ng mahigit 3,000 bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

77

Nakapagtala na lamang ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 3,574 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bunga nito, ang aktibong kaso ay bumaba pa sa 105,550 at ang total COVID cases na sa bansa ay 3,619,633.

14,644 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 3,459,462.


83 naman ang bagong binawian ng buhay sa virus kaya ang total deaths ay pumalo na sa 54,621.

Ayon sa DOH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 6, 2022 habang mayroong 6 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Facebook Comments