Nadiskubre ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya ang imbakan ng baril ng mga communist terrorist group sa Sitio Laya, Brgy. Sta. Isabel, Buguey Cagayan.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Northern Luzon Command Spokesperson Lt. Col. Elmar Salvador, isang unit ng 12 gauge shot gun na may ammunition, apat na piraso ng rifle grenade, isang 40mm HE Cartridge at iba pang mahahalagang gamit ng mga terorista ang narekober ng mga sundalo at pulis.
Sa isinagawang beripikasyon, natukoy na pagmamay-ari ng East Front Committee, Komiteng Probinsyang (KOMPROB) Cagayan, Komiteng Rehiyong-Cagayan Valley (KRCV) ang mga baril at mahahalagang dokumento.
Sa ngayon, nasa Buguey Municipal Police Station na ang mga narekober na armas para sa proper disposition and documentation.