Nagpahayag ng suporta at pagtulong ang Philippine National Police (PNP) sa isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa isyu ng umano’y wiretapping activities ng Embahada ng China.
Kaugnay ito ng sinasabing transcript at recording ng phone call conversation ng isang Chinese diplomat at isang mataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa “new model agreement” claim nito sa Ayungin shoal.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, nakahanda silang tumulong sa NBI para sa isinasagawang imbestigasyon.
Matatandaang, iniutos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa NBI na magsagawa ng in-depth investigation hinggil sa naturang isyu.
Facebook Comments