Inagurasyon ni PBBM, generally peaceful ayon sa NCRPO

Ibinida ni National Capital Region Police Office Regional Director, PMGen. Felipe R Natividad na ang Inagurasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay “generally peaceful” kung saan walang naitalang malalaking insidente sa buong rehiyon.

Ayon kay PMGen. Natividad ng matagumpay na inaguradyon ni PBBM ay bunsod na rin sa maagang preparation at pinaigting na implementasyon ng security plan ng mga police, military troops at ibang members ng Philippine forces.

Paliwanag ni Natividad, ang matagumpay na makasaysayang okasyon ay sa pagkakaisa ng lahat ng pwersa ng Police, Military at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan.


Dagdag pa ng opisyal, pinapayagan nila ang mga aktibista at mga militanteng grupo na ipahayag ang kanilang mga saloobin sa Freedom Parks kung saan ang lahat ay malayang ihayag ang kanilang mga damdamin at opinions.

Namahagi rin ng mga palugaw ang NCRPO at inaaliw ang mga dumadalo sa pamamagitn ng banda, at mayroon ding mga nagsasayaw at kantahan sa Liwasang, Bonifacio kaya’t lahat ng mga dumadalo ay naaaliw sa naturang mga palabas.

Facebook Comments