Indian government, nagkaloob ng grant assistance sa Pilipinas

Makakatuwang na ng Pilipinas ang Indian government sa pagpapatatag sa kapasidad ng mga lokal na pamahalaaan.

Kasunod ito ng nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., at India Ambassador Shambhu S. Kumaran para sa ilang grant funded projects sa Pilipinas.

Kabilang dito ang implementasyon ng Quick Impact Projects kung saan pagkakalooban ng US $50,000 ang bawat mapipiling Local Government Unit (LGU).


Ayon kay Ambassador Kumaran, sa pamamagitan ng kasunduan ay maipatutupad ang mga proyektong direktang makakabenepisyo sa mga komunidad gaya ng ng patubig, kalsada, karagdagang gamit sa mga eskwelahan at iba pa.

Nagpasalamat naman si Secretary Abalos sa development support ng Indian government na kauna-unahan aniya sa DILG.

Dagdag pa nito, ang naturang tulong ay bunga ng pagkakaibigan ng dalawang bansa at walang anumang kondisyong nakapaloob dito.

Magkakaroon naman ng Joint Project Selection Committee na silang pipili ng mga LGU na makakatanggap ng grant assistance.

Facebook Comments