GOOD NEWS : ISANG MASIPAG NA WORKING STUDENT SA DAGUPAN CITY, KILALANIN.

Isa sa hinahangaan ngayon ng karamihan ang isang masipag na estudyante na si Diana Marie Cayabyab, tubong Sta. Barbara Pangasinan, 2nd year college student sa isang unibersidad sa Dagupan City.
Si Diana ay nagbebenta ng kanyang mga gawang pagkain at ibinebenta sa kanyang mga kaibigan o kaklase. Ilan sa kanyang mga ginagawa ay baked mac, graham balls at maruya.
Bukod din sa kanyang mga pagkaing binibenta, binabalanse niya ang kanyang oras sa pagbebenta ng mga ukay sa online upang mas makadagdag sa kaniyang mga kailangang financial lalo na sa kanyang tuition at dahil tumataas na rin ang bilihin ay kailangang huwag isuko ang mga ibang sideline.

Siya ngayon ay nag aaral sa kursong Education Major in English. Nais niyang sabihin sa kapwa niya working student ay lumaban lang buhay dahil iyan ang puhunan para matupad ang mga pangarap. |ifmnews
Facebook Comments