Magpapakawala ng tubig ang Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan mamayang alas-12:00 ng tanghali.
Ito ay dahil sa malalakas na pag-ulang dala ng Southwest Monsoon.
Kaninang alas-7:00 ng umaga, umakyat na sa 100.56 meters ang lebel ng tubig sa Ipo Dam, malapit na sa normal high water level nito na 101 meters.
Inaasahang tataas pa ang tubig sa dam dahil sa patuloy na pag-ulan.
Inabisuhan naman ang mga residente sa mga low-lying areas at malapit sa Angat River bank mula Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel at Hagonoy na maging alerto.
Una nang nagpaalala ang PAGASA na magpapatuloy ang mga pag-ulan sa Metro Manila, Bulacan, at ilan pang lugar sa Luzon dahil sa habagat na pinalalakas ng Typhoon In-Fa (Fabian) at Tropical Storm Nepartak na parehong nasal abas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).