Isa ang patay habang isa ang nawawala matapos na magbanggaan ang dalawang foreign-flagged vessels sa karagatang sakop ng Corregidor Island sa Bataan kahapon.
Ayon sa Philippine Coast Guard, nagsalpukan ang Marshall Islands-flagged MV Petite Souer na isang chemical/oil tanker na galing ng Mariveles, Bataan at Sierra Leone-flagged MV Hong Hai 189 na isang dredger na galing naman sa pantalan sa Botolan, Zambales.
Agad na lumubog ang MV Hong Hai 189 habang nailigtas ang labing walo mula sa dalawampung 20 crew members nito.
Narekober ang cadaver ng isa sa tripulanteng nawawala kaninang umaga habang patuloy na pinaghahanap ang isa pa.
Ligtas naman at nasa maayos na kalagayan ang 21 crew member ng MV Petite Soeur.
Facebook Comments