18,000 na mga pulis, idineploy ng PNP nationwide kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day sa Lunes

Papalo sa 18,000 na mga pulis ang idineploy nationwide ng Philippine National Police sa pagdiriwang ng Labor Day sa Lunes.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, ito ay upang matiyak na magiging maayos at ligtas ang pagdaraos ng mga kilos protesta sa Araw ng Paggawa.

Aniya, mahigpit ang kabilin-bilinan ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda, Jr., na pairalin ang maximum tolerance laban sa mga raliyista.


Sa ngayon ay nananatili sa normal ang alert status ng PNP sa Labor Day.

Facebook Comments