Isang lalaking tulak ng iligal na droga, arestado sa Tondo, Maynila

Kalaboso ang isang lalaki matapos na ikasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng pulisya ang buy-bust operation sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang nadakip na si Michael Gamblosa, 19-anyos at residente ng Brgy. 225 sa nasabing lungsod.

Nasakote ang suspek sa tapat ng bahay nito kung saan matapos makabili ng droga ang poseur buyer, agad siyang kinorner at hindi na nakapalag pa.


Nakuha sa kaniya ang nasa isang malaking plastic sachet ng shabu na may bigat ng 30 gramo at nagkakahalaga ng higit P200,000.

Aminado ang suspek sa pagbebenta ng iligal na droga pero tikom ang bibig nito nang tanungin kung sino ang kaniyang source.

Facebook Comments