33 mga pulis, nadagdag sa mga positibo sa COVID-19

22

Parami nang parami ang bilang ng mga pulis na positibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na ngayon ay umaabot na sa 2,347 na pulis.


Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Public Information Office kahapon panibagong 33 na pulis ang infected ng COVID-19

15 sa mga bagong nagpositibo ay nakatalaga sa NCRPO, apat sa PRO 4A, tig -dalawa sa PRO 4B, PRO 1, PRO 6 at PNP Intelligence Group.

Habang tig-iisang pulis na ang nagpositive sa National Headquarters, Information Technology Management and Support (ITMS), Headquarters Support Service, Police Drug Enforcement Group (PDEG), Anti-Cybercrime Group (ACG) at Crime laboratory.

Good news dahil sa bilang ng mga nagpositibo, 1,384 na ang gumaling habang inoobserbahan pa ang 886 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 2,354 na pulis ang suspect case ng COVID-19.

Labing isa naman na mga pulis ang namatay dahil sa COVID -19.

Facebook Comments