Isang senador, tiwalang malaki ang magagawa ni presumptive Vice President Inday Sara sa DepEd

Tiwala si Senator Imee Marcos na malaki ang magagawa ni presumptive Vice President Inday Sara Duterte sa Department of Education (DepEd) na puno ng samu’t saring problema.

Sabi ni Marcos, nagbago na ang isip ni Inday Sara mula sa unang nais nitong pamumuno sa Department of National Defense (DND).

Sa tingin ni Marcos, ito ay dahil sa maraming mga spekulasyon o mga nag-iisip na kapag naging kalihim ng Defense Department si Inday Sara ay malamang daw na magkaroon ng kudeta.


Kinumpirma ni Senator Marcos na aprub sa kaniyang kapatid na si presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagtatalaga kay inday Sara bilang DepEd Secretary.

Personal na ring binati ni Senator Imee si Inday Sara sa kaniyang pagdalo sa kanilang thanks giving day na ginanap sa kanilang National Headquarters sa Mandaluyong City.

Facebook Comments