Israeli experts, haharap sa media bukas upang ibahagi ang naging obserbasyon sa vaccination program ng bansa

Magbibigay ng komento ang mga medical experts mula sa Israel kasunod ng pagbisita nila dito sa bansa upang obserbahan ang nagpapatuloy na roll out ng vaccination program ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, nakatakdang humarap ang mga medical experts sa media bukas.

Kanina, binisita ng mga ito ang Solaire vaccination hub sa Parañaque City.


Ayon kay Roque, maliban sa mga vaccination sites ay inikot din ng mga eksperto ang ating cold storage facilities, iba pang logistics at inobserbahan ang mismong pagtuturok ng bakuna.

Ani Roque, parte ito ng ating bilateral ties sa Israel upang matuto tayo mula sa kanilang best practices.

Sa ngayon kasi, na-achieve na ng bansang Israel ang population protection kung saan hindi na sila nagsusuot ng face mask sa labas ng tahanan.

Paliwanag ng kalihim, gagayahin natin ang mga strategies ng Israel upang makamit ang maskless Christmas.

Facebook Comments