Item na ‘SIPSIP’ Funds sa ilalim ng 2023 national budget, pinapapalitan ng mga senador ng pangalan

Umapela si Senator Loren Legarda sa Department of Budget and Management (DBM) na palitan ang pangalan ng isang item sa 2023 national budget na tinawag nilang “SIPSIP” Funds.

Giit ni Legarda, hindi magandang pakinggan ang naisip na pangalan sa item.

Dapat aniya ay maging malikhain naman ang communication experts ng ahensya at palitan ang nasabing pangalan.


Nausisa ang “SIPSIP” Funds nang maitanong ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang mga budget sa items na hindi detalyado tulad ng alokasyon sa National Task Force to End Local Communist o NTF-ELCAC.

Ayon kay Budget Usec. Tina Rose Marie Canda, ang “SIPSIP” o Support to Infrastructure and Social Programs ay unprogrammed fund na popondohan kapag may sobra o bagong kita ang gobyerno.

Iginiit ni Legarda na mahalaga ang proyekto kaya dapat na ayusin at baguhin ang nasabing pangalan.

Facebook Comments