DICT Sec. John Ivan Uy, muling itinalaga sa pwesto at nanumpa na kay Pangulong Marcos

54

Itinalaga muli ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. John Vincent Uy na isa sa naantala ang pagkumpirma ng Commission on Appointments kamakailan dahil sa kakulangan ng oras.

Kasabay nito ay pinanumpa na rin sa pwesto ng pangulo si Uy sa Malacañang ngayong hapon.

Hindi nakasabay si Uy sa panunumpa ng labing isang cabinet secretaries nitong isang araw dahil nasa Amerika ito.


Pero, una nang siniguro ni Executive Secretary Lucas Bersamin na mai-re-reappoint din si Uy pagdating nito galing abroad.

Facebook Comments