Bulkang Taal, muling nagbuga ng volcanic sulfur dioxide kahapon; pinakamataas na lebel ng gas, naitala ng PHIVOLCS!

Muling nakitaan ng pagtaas ng lebel ng ibinubugang volcanic sulfur dioxide ang Bulkang Taal.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), umabot sa 17,141 na tonelada kada araw ng volcanic sulfur dioxide ang inilabas ng bulkan kahapon ng umaga.

Ito ang pinakamataaas na sukat na naitala ng PHIVOLCS mula nang ibinaba sa Alert Level 1 ang bulkan noong Hulyo 11.


Sa kasalukuyan ay nananatiling nakataas sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal dahil hindi pa bumabalik sa normal ang kalagayan nito at may mga banta pa rin ng posibleng pagsabog.

Dagdag pa ng ahensya, maaari muling itaas sa Alert Level 2 ang bulkan kung magkakaroon ng matinding pagbabago sa mga monitoring parameters nito.

Dahil dito, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island, na Permanent Danger Zone ng Bulkang Taal, lalong-lalo na sa palibot at loob ng Main Crater at ng Daang Kastila fissure.

Facebook Comments