14 na sakay ng lumubog na passenger boat sa Sulu, na-rescue ng Philippine Coast Guard at Philippine Army

Na-rescue ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng Philippine Army ang 14 na indibidwal na sakay ng lumubog na pasaherong bangka sa Sulu.

Kabilang sa mga nasagip ang 6 na mga bata, at ang boat operator.

Nabatid na galing ng Tapul, Sulu ang passenger boat at patungo sana ito ng Maimbung, Sulu nang biglang sumama ang panahon, dahilan upang lumubog ang bangka.


Ligtas naman ang lahat ng sakay ng bangka at naihatid na sila sa local government unit ng Maimbung.

Facebook Comments