Magbibigay ng 1.6 million dollar ang Pamahalaang ng Japan para sa mga nasalanta ng bagong Odette sa lalawigan ng Surigao del Norte, Siargao, Dinagat Island at Southern Leyte.
Batay sa pahayag ng embahada ng Japan sa bansa nakipagkasundo na sila sa United Nations children’s Fund o UNICEF upang ihatid ang tulong kung saan aabot ng 51,000 katao ang latutulungan mula sa mga sabing lugar.
Dahil dito, madaragdagan pagkakaroon ng malinis na tubig at sanitation facilities.
Prioridad anila ang pagbibigay ng maiinom na tubig, hygiene supplies at promotion ng health and hygiene practices, kasama na ang COVID-19 infection prevention and control o lPC.
Layunin anila nito na agad na mabigayan ng tulong at proreksyon ang mga bata at pamilya nasalatanta ng Bagyong Odette upang mapabilis ang kanilang pagbangon.
Sinabi pa ng Japan Embassy, na ang nasabing halaga ay bahagi ng kanilang 13 million dollar disaster relief assistance sa bansa.