1K INCREASE | Social pension ng mga senior citizen, pinatataasan

400

Manila, Philippines – Bilang tugon sa tumataas na ang populasyon ng mga matatanda sa bansa, pinaaaprubahan agad sa komite ni Population And Family Relations Chairman Sol Aragones ang Substitute Bill Ng Universal Social Pension Bill.

Sa ilalim ng panukala ay itataas na sa isang libong piso (P1,000) ang kasalukuyang limang daang piso (P500) na social pension para sa mga senior citizens.

Sa ilalim din nito, hindi na limitado sa mga indigent senior citizens ang pensyon kundi basta`t tumuntong na sa edad ng senior citizen ay otomatikong makakatanggap ng social pension.

Layunin ng panukala na matulungan ang mga lolo at lola sa kanilang mga personal na pangangailangan lalo na sa pagpapagamot ng kanilang karamdaman.

Facebook Comments