CHAMPIONS LEAGUE | Neymar, umani ng batikos matapos matalo ang kaniyang koponan

17

Manila, Philippines – Inulan ng batikos at pangungutya ang Brazilian football player na si Neymar matapos tambakan ng Real Madrid ang Paris St. Germain 3-1 sa unang league ng kanilang champions league match sa Bernabeu.

Ayon sa mga netizen at mga fans ng PSG hindi nila naramdaman si Neymar sa laban kontra Cristiano Ronaldo at two-time C-l defending champions.

Marami rin ang nagsabi na hindi sulit ang 222 million euros o mahigit isang daang bilyong piso na ibinayad ng PSG para makuha si Neymar mula Barcelona FC.

Umiskor ng dalawang goal si Ronaldo sa laro habang zero goal at zero assist si Neymar para sa PSG.

Facebook Comments