Kamara, nakiisa sa pagdiriwang ng National Children’s Month

Nakikiisa ang Mababang Kapulungan sa pagdiriwang ng 30th National Children’s Month.

Bahagi ng programa sa Kamara ang paglagda sa isang commitment wall kung saan inihayag ng mga kongresista ang kanilang suporta at pagsusulong sa children empowerment.

Nagkaroon din ng poster making contest kung saan ipinakita ng mga bata sa pamamagitan ng sining ang kanilang sariling interpretasyon ng children empowerment.


Inihayag naman ni House Speaker Martin Romualdez sa ngayon ay nasa 15 mga panukalang batas ang nakahain sa Kamara na layuning maprotektahan ang kalusugan at kapakanan ng mga bata.

Tiniyak din ni Romualdez na ang Mababang Kapulungan ay nakasuporta sa sinuman na nagsusulong sa physical, emotional at mental health ng mga bata.

Binanggit naman ni House Committee on Welfare of Children Chair Angelica Co, na isa sa panukalang itutulak ng kanyang komite ay ang pangangalaga sa mental health ng mga kabataan at paglaban sa online sexual abuse.

Facebook Comments