Kampo ni Pemberton, nasurpresa sa pagbibigay ng pardon mula kay Pangulong Duterte

Ikinalugod ng kampo ni United States Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ang pagpapakaloob sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte ng absolute pardon.

Ayon kay Atty. Rowena Flores, abogado ni Pemberton, hindi sila makapaniwala at hindi nila inaasahan ito.

Naniniwala si Flores na batid ni Pangulong Duterte na wala silang hinihinging anuman na hindi naaayon sa batas.


Iginit din ni Flores na walang political exchange sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos hinggil dito.

Para kay Justice Secretary Menardo Guevarra, maaaring gamitin ni Pangulong Duterte ang kaniyang kapangyarihan sa paggawad ng executive clemency anumang oras at anuman ang sitwasyon.

Facebook Comments