Karagdagang 100 barko na posibleng pagmamay-ari ng China, namataan sa WPS

Karagdagang 100 barko ang namataan ng geospatial intelligence firm sa West Philippine Sea (WPS) na parte ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Batay sa 14 pahinang ulat, sinabi ng firm na malaki ang posibilidad na pagmamay-ari ito ng China.

Dahil dito, umakyat na sa 238 ang bilang ng mga barkong namataan sa teritoryong pagmamay-ari ng Pilipinas mula sa 129 noong una.


Samantala, naglabas na ng pahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa ikalimang anibersaryo ng pagpapalabas ng award kaugnay sa South China Sea Arbitration.

Ayon sa DFA, mananatiling pinal ang award at walang sinumang magpapabago rito o magpapaalis nito sa batas.

Matatandaang sa mga diplomatic protests na inihain ng DFA, pina-aalalahanan nito ang China na ang Bajo de Masinloc, Pag-asa Islands, Panata, Parola, Kota Islands, Chigua at Burgos Reefs ay integral parts ng Pilipinas.

Habang dine-demand din ng DFA ang pagtalima ng China sa international law, kabilang na ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang final at binding Arbitral Award of the July 12,2016 South China Sea Arbitration.

Facebook Comments