Pulis na bumaril sa 16-anyos na lalaki at isa pang kasama nito sa Laguna, tukoy na ng PNP

Natukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang pulis na bumaril sa 16-anyos na si Johndy Helis at kasama nitong si Antonio Dalit sa isang operasyon sa laguna.

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, nakilala ito sa pamamagitan ng imbestigasyon na isinagawa ng Fact-Finding Task Group.

Habang nagsagawa na rin ng ballistics examination at cross-matching sa mga balang narekober kina Helis at Dalit.


Kabuuang 11 mga baril o armas ang nakolekta sa mga pulis na may kinalaman sa pagpatay.

Sa ngayon, inaalam na ng PNP kung may naganap na palitan ng bala sa dalawang partido matapos magpositibo sa paraffin tests ang katawan nina Helis at Dalit.

Facebook Comments