Kasong Graft ni dating Senator Gregorio Honasan, ibinasura na ng Sandiganbayan

Ibinasura ng Sandiganbayan 2nd Division ang Graft case ni dating Senador at ngayo’y Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan.

Ang kaso ay kaugnay sa hindi tamang paggamit umano ni Honasan ng priority development assistance fund (PDAF) nito noong 2012.

Sa 52 pahinang desisyon ng Anti-graft court ay kinakitaan ng korte ng kawalan ng ebidensya ang prosekusyon laban kay Honasan.


Inalis na rin ng korte ang hold departure order na inisyu kay Honasan at sa anim na iba pa.

Mababatid na naharap si Honasan sa dalawang kaso ng graft dahil sa umano’y iregular na paggamit ng P30 million pork barrel funds noong 2012 na dapat sana’y para sa livelihood projects ng mga Muslim communities sa National Capital Region at Zambales.

Facebook Comments