Katatagan ng mga itinatayong imprastraktura, pinatitiyak ni PBBM sa DPWH

Pinasisiguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang katatagan ng bawat istrakturang itinatayo sa bansa.

Sa talumpati ng presidente sa ika-125 anibersaryo ng DPWH, sinabi nitong mahalagang matiyak ang pagiging matibay ng mga itinatayong istruktura.

Pinunto ng pangulo na ang resulta ng anomang desisyon na pinagpasiyahan ngayon na may kinalaman sa pagtatayo ay bibilang pa ng ilang mga panahon.


Kaya mahalaga ayon sa punong ehekutibo na masigurong maging maayos at matibay ang disenyo ng mga naitatayong istraktura sa bansa.

Kasabay nito, siniguro rin ng pangulo na committed ang kanyang administrasyon na tapusin on time ang mga nakalinyang proyekto sa ilalim ng kanyang termino.

Kailangan aniyang matiyak na naipatutupad ng maayos ang procedures at gawing moderno ang byurukrasya.

Facebook Comments