Mas marami pang residente ng Maynila, na hired-on-the-spot sa ikinakasang Mega Job Fair ng PESO-Manila katuwang ang DZXL 558 Radyo Trabaho

Nasa higit 30 aplikante ang na hired-on-the-spot sa ikinakasang Mega Job Fair ng Public Employment Service Office (PESO) ng lokal na pamahalaan ng Maynila katuwang ang DZXL 558 Radyo Trabaho dito sa Patricia Sports Complex sa Carmen Street sa Gagalangin, Tondo.

Karamihan sa kanila ay papasok na sa trabaho sa susunod na linggo bilang mga hotel staff, office clerk, kitchen staff, sales crew, HR assistant, merchandiser at promodizer.

Nasa 55 kumpaniya rin ang nakilahok sa nasabing Job Fair at nasa 12,000 bakanteng trabaho ang iniaalok dito kung saan nagsimula ang Job Fair ng alas-9:00 ng umaga na magtatagal ng hanggang alas-4:00 ng hapon.


Ang ibang aplikante naman na na hired-on-the-spot ay nakatanggap ng exclusive merchandise mula sa DZXL 558 Radyo Trabaho kung saan maaari silang mamili kung wall clock, pamaypay, sticker, coin purse at ballpen.

Facebook Comments