Katimugang bahagi ng Negros Occidental niyanig ng 4.2 magnitude na lindol

Niyanig ng 4.2 magnitude na lindol ang katimugang bahagi ng Negros Occidental.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, naramdaman ang lindol 1:12PM kanina.

Natunton ang episentro ng lindol sa layong 54 km sa Timog Kanluran ng Hinoba-an Negros Occidental.


May lalim itong 33 kilometers at tectonic ang origin.

Naramdaman ang Intensity III sa Sipalay City at Negros Occidental at Intensity I sa Bago City, Negros Occidental.

Facebook Comments