NEA, nilinaw ang unrecorded bank accounts na sinita ng COA

32

Nilinaw ng National Electrification Administration (NEA) ang kinukwestyon ng Commission on Audit (COA) na mga nawawalang bank accounts.

Ayon kay Financial Services and Accounting Division Manager Ma. Chona dela Cruz, walang nawawalang pondo.

Ang dalawang bank accounts na may kabuuang halaga na ₱290 million ay nakatala sa books of accounts ng NEA noong February 1 at April 1, 2021.


Nailipat aniya ang mga ito sa bagong binuksan na accounts ng NEA noong 2020.

Tiniyak ng NEA sa publiko na protektado ang pondo ng bayan at tumutugon ito sa COA rules.

Facebook Comments