Tiniyak ng Bureau of Animal Industry (BAI) na ginagawa nila ang lahat upang mapigilan ang posibleng pagtaas pa ng presyo ng mga poultry products.
Ito ay sa gitna ng problemang nararanasan ngayon ng mga magmamanok dahil sa mahal na presyo ng mga patuka.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Bureau of Animal Industry Director Reildrin Morales na umaasa lamang kasi ang Pilipinas sa pag-iimport ng soybean feeds para sa mga manok at wala tayong local production nito.
Sa kasalukuyan, pumapalo sa ₱110 ang farmgate price ng manok kung kaya’t isa rin ito sa dahilan ng mas mataas na presyo pagdating sa merkado.
Una nang nagbabala ang Egg Council of the Philippines na posibleng magkulang na rin ang supply ng itlog sa mga susunod na buwan dahil sa pagbabawas ng mga alagang manok bunsod ng mataas na presyo ng patuka sa mga ito.