Kongresista, umaapela sa DOH na maglatag ng contingency plan para sa lahat ng uri ng emergencies sa gitna ng pandemya

Inirerekomenda ngayon ni House Committee on Social Services Chairman Alfred Vargas sa Department of Health (DOH) na maglatag ng “contingency plans” para sa lahat ng uri ng emergencies na posibleng umusbong sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ang suhestyon ng kongresista ay bunsod na rin ng nararanasang rotational brownouts sa Metro Manila at sa ibang mga lugar sa Luzon.

Kailangan aniya na maglatag na ng contingency plans ang DOH katuwang ang ibang kaukulang ahensya upang matiyak ang “proper storage” ng mga bakuna at para masiguro na walang magiging ibang aberya.


Mahalaga aniyang matiyak ang tamang storage ng mga vial, bumagyo man o walang kuryente, upang matiyak na hindi masasayang ang mga bakuna.

 

Facebook Comments