Labi ng lalaking senior citizen na sakay ng nahulog sa dagat na sasakyan sa Samal , na-retrieve na ng Philippine Coast Guard

156

Narecover na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang labi ng lalaking senior citizen na sakay ng nahulog na sasakyan sa Island Garden City ng Samal.

Kinilala ang 63-year-old na si Rogelio ng Panabo, Davao del Norte.

Siya ay na-trap sa loob ng kanyang sasakyan na nahulog sa Mae Wess Port.


Ayon sa Coast Guard, nagpark ang biktima ng kanyang sasakyan habang naghihintay ng susunod na barge para tumawid patungong Davao nang aksidente nitong matapakan ang accelerator ng sasakyan at tumuloy-tuloy ito sa dagat.

Facebook Comments