Suporta sa Malasakit Centers program, hiling ng isang Senador sa susunod na administrasyon

54

Nakiusap si Senator Christopher “Bong” Go sa papasok na Marcos administration na ipagpatuloy at suportahan ang Malasakit Centers program.

Ang nabanggit na programa na sinimulang isulong ni Go noong 2018 ay may layunin na mabigyan ng access ang lahat sa Healthcare Services sa buong bansa.

Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop kung saan para sa lahat ng kinauukulang ahensya na makakatulong sa mga nagkakasakit na mahihirap na Pilipino.


Kasama dito ang Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Facebook Comments