Limang indibidwal na sangkot sa BDO hacking incident, iprinisinta ng NBI

Iniharap sa media ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang katao na nasa likod sa BDO hacking incident.

Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, ang mga suspek ay kinabibilangan ng dalawang Nigerian at tatlong Pilipinong kanilang kasabwat.

Kinilala ni Lavin ang mga Nigerian na sina Fountain Anaekwe, alias Daddy Champ at Chukwuemeka Peter Nwadi.


Habang ang mga Pilipino ay sina Jherom Anthony Taupa, Ronelyn Panaligan at Clay Revillosa.

Naaresto ang lima kasunod ng magkakahiwalay na undercover operations.

Natukoy ang mga ito sa pamamagitan ng isang informant na nagkaroon ng transaksyon sa mga suspek.

Ito rin ang nasa likod ng “Mark Nagoyo” na ginamit na pangalan kung saan inilipat ang mga perang kanilang nakuha mula sa mga depositor.

Ayon pa kay Lavin, hindi na nagawang mai-withdraw ng mga suspek ang perang kanilang nai-transfer matapos ma-red flag ng bangko.

Nagpaalala ang NBI sa mga depositor na mag-ingat sa phishing scheme dahil dito nagsisimula ang pag-hack ng mga account ng mga indibidwal.

Facebook Comments