Limang matataas na opisyal ng NPA, sumuko sa Philippine Army

Sumuko sa 402nd Infantry Brigade ng Philippine Army ang limang matataas na opisyal ng New Peoples Army (NPA) sa Brgy. Bancasi, Butuan City.

Ayon kay 402nd Brigade Commander Brig. Gen. Adonis Ariel Orio, ang mga sumuko ay mga opisyal ng Sub-Regional Committee 3 (SRC3) ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).

Kinilala ang mga ito na sina: Rogelio Gerondo Jr, SRC3 Secretary at pinuno ng Sub-Regional Operations Command (SROC); Ruek Namansulay, FOC head; Maricel Lunsayan, Political Officer; Rexon Guinar Sr, Political Officer; at Nita Guinar, Medic ng Platoon.


Isinuko rin ng mga opisyal ng NPA ang dalawang M16 rifles, isang M14 rifle, at dalawang caliber .45 pistols.

Ayon kay Gen. Orio, nagdesisyong magbalik loob ang mga ito matapos mapagtanto na wala silang mapapala sa pakikipaglaban sa gobyerno at mas maraming benepisyo kapag sila ay nagbalik loob.

Facebook Comments