Inilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang unang listahan ng mga kandidato at partido na tumakbo noong 2022 elections na nakapagsumite na ng kanilang Statement of Contribution and Expenditures o SOCE.
Batay sa listahan ng COMELEC, tanging si Senator Panfilo Lacson pa lamang sa 10 presidential candidates ang nakapagsumite ng SOCE habang wala pang nakapagsumite sa siyam na vice presidential candidates.
Habang sa senatorial candidates ay tanging sina former Senator Antonio Trillanes IV at former PNP Chief Guillermo Eleazar ang nakapagsumite nito.
Nasa 11 party-list groups naman ang nagbigay na ng kanilang SOCE kung saan kabilang dito and Abono, Senior Citizens, Bisaya Gyud, Ang Kabuhayan, Ako Bisaya, Kabalikat ng Mamamayan, Abante, Anakpawis, Ang Bumbero, Bayan at A Teacher.
Tanging ang United Nationalist Democratic Organization o UNIDO ang kaisa-isang political party ang nakapagpasa ng SOCE sa COMELEC.
Batay sa Omnibus Election Code, ang deadline sa pagsumite ng SOCE sa naturang pollbody ay hanggang June 8 o eksaktong 30 araw matapos ang araw ng halalan.