DOTr, may libreng sakay rin para sa mga pasahero ng NAIA Terminal 2 at 3

199

Good news!!!!

Magkakaroon na rin ng libreng sakay ang Department of Transportation (DOTr) sa pamamagitan ng Grab Philippines para sa mga pasahero ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 at 3.

Epektibo sa June 15, 2022 na tatagal hanggang June 30, 2022 ang free shuttle sa mga pasahero ng NAIA Terminal 2 at 3 sa anumang destinasyon sa Metro Manila.


Ayon kay DOTr Undersecretary for Road Transportation and Infrastructure Mark Steven Pastor, ito ay bahagi pa rin ng nagpapatuloy na “Libreng Sakay Program” ng pamahalaan para sa ating mga kababayan.

Nasa 100 GrabRent shuttles ang magseserbisyo sa mga pasahero araw-araw mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 11:00 ng gabi.

Kinakailangan lamang na mag-book ang mga pasahero sa Grab booth na matatagpuan sa arrival areas ng NAIA Terminals 2 at 3.



Facebook Comments