Dumating na sa bansa ang karagdagang isang milyong doses ng COVID-19 vaccines na binili ng Pilipinas mula sa Chinese firm na Sinovac Biotech.
Alas-7:16 kaninang umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang eroplano ng Cebu Pacific mula Beijing, lulan ang mga bakuna.
Ito na ang ika-sampung batch ng Sinovac vaccines na dumating sa bansa kabilang ang dalawang batch na donasyon naman ng China.
Dahil dito, kabuuang 10.3 million doses na ng COVID-19 vaccines ang natatanggap ng bansa.
Samantala, may mahigit dalawang milyong doses din ng Pfizer vaccines mula sa COVAX Facility ang inaasahang darating sa bansa mamayang gabi.
Facebook Comments