Magiging dagdag singil na ipapasa sa consumers, pinag-aaralan pa lamang – DOE

Nilinaw ng Department of Energy na pinag-aaralan pa lamang ang magiging dagdag na singil sa bawat kilowatt hour na ipapasa naman sa bawat customers.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOE Electric Power Industry Management Bureau Usec. Emmanuel Juaneza na sa ngayon ay nasa 34 centavos per kilowatt hour ang ating binabayaran para sa ancillary services.

Bago nito, sa isinagawang pagdinig kahapon sa senado ay sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na tataas talaga ang singil sa kuryente lalo na kung ipipilit ng doe ang 100 percent na firm contract sa ancillary.


Ayon kay NGCP President at Ceo Anthony Almeda, hindi naman laging ancillary services ang solusyon kapag nagkakaroon ng pagnipis sa supply ng kuryente.

Una na ring sinisi ng DOE ang NGCP dahil sa pagkabigo nitong sumunod sa “firm” ancillary service contracts na aasahan sakaling ilang power plants ang mag-shutdown.

Facebook Comments