Red hat ceremony ni Cardinal Advincula, tuloy na mamayang hapon

34

Isang linggo bago pormal na maupo bilang bagong Arsobispo ng Maynila ay tatanggapin mamaya ni Cardinal Jose Advincula ang kaniyang red hat at singsing bilang ganap na kardinal.

Gaganapin ang red hat ceremony para kay Cardinal Advincula mamayang 3:30 ng hapon sa Immaculate Concepcion Metropolitan Cathedral sa Capiz kung saan pangungunahan ito ni papal nuncio archbishop charles brown.


Limitado lamang ang papayagang dumalo rito dahil pa rin sa banta ng COVID-19 kung kaya’t bago nito ay dalawang beses nang ipinagpaliban ang seremonya mula noong mayo 28.

Sa Hunyo 24 itatalaga si Cardinal Advincula bilang ika-33 na Arsobispo ng Archdiocese of Manila at gaganapin ito sa Manila Cathedral.

Facebook Comments