Mahigit 19,000 indibidwal, apektado ng Bagyong Aghon sa ilang rehiyon sa bansa

 

Sumampa na sa 19,373 ang mga indibidwal ang apektado ng Bagyong Aghon.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga naapektuhan ang 8, 465 pamilya o katumbas ng 19,373 indibidwal mula sa 158 brgys sa CALABARZON, MIMAROPA, Regions 5 at 8.

Nasa 2,162 mga indibidwal din ang nananatili ngayon sa 81 evacuation centers habang ang nasa mahigit 3,000 indibidwal ang mas piniling makituloy pansamantala sa kani-kanilang mga kaanak o manatili sa kanilang tahanan.


Patuloy ding bineberipika ang naitalang pitong sugatan sa Bicol Region.

Samantala, 13 mga lugar ang nananatiling lubog sa baha partikular sa MIMAROPA at Region 8.

Nasa 22 kabahayan din ang iniulat na nasira kung saan 18 ang partially damage habang apat ang totally damage.

Sa ngayon, umaabot na sa halos ₱2 milyon ang naipamahaging tulong ng pamahalaan sa mga apektadong indibidwal.

Facebook Comments