Bagyong Aghon, walang naging epekto sa operasyon ng mga power plant kahit pa sunod-sunod ang pagpalya at pagnipis ng suplay ng kuryente – DOE

 

Aminado ang Department of Energy (DOE) na may ilan pa ring planta ng kuryente ang hindi pa rin naayos hanggang sa ngayon ngunit hindi ito dahil sa nararanasang Bagyong Aghon.

Kung kaya naman nakararanas pa rin ng red at yellow alert ang Luzon at Visayas Grid sa nakalipas na mga linggo.

Ayon kay Energy Assistant Secretary Mario Marasigan, personal na nilang kinausap ang mga operator ng planta na hanggang ngayon ay hindi pa rin operational.


Paliwanag ng power plant operators, hindi naapektuhan ng Bagyong Aghon ang operasyon nito ngunit may ilang generation facilities ang pinaglaanan nila ng oras dahil ang ilan daw ay nakulangan sa suplay ng fuel at maging ang pagtaas o maintenance ng tubig sa mga hydro-facilities.

Samantala, sinabi rin ng DOE na may ilang planta naman na ang bumalik ang operasyon matapos makita agad kung ano ang pinagmulan ng pagpalya o pagtigil nito sa nakalipas na linggo.

Facebook Comments